BOHOL, HINDI NAKALIGTAS SA AFRICAN SWINE FEVER


Hindi nakaligtas sa sakit na African Swine Fever (ASF) ang probinsya ng Bohol matapos itong makalista ng unang kaso ng nasabing sakit sa mga baboy.

Batay sa kumpirmasyon ng provincial veterinary office sa lugar, naitala ang kaso ng ASF sa Purok 6, Barangay San Vicente, Pilar kung saan may namatay na mga baboy.

Lumabas umano sa pagsusuri na positibo sa virus na nagdadala ng ASF ang mga ito.

Kaagad itong inaksyunan ng lokal na pamahalaan sa lugar at ipinagbawal ang paglabas at pagpasok ng mga karne ng baboy at mga produktong gawa sa pork meat.

Hinigpitan na rin ang mga checkpoints para masigurong hindi na kumalat pa ang ASF sa ibang bayan sa naturang probinsya.

Magugunitang ang Bohol ang nag-iisang probinsya sa Central Visayas na huling naapektuhan ng ASF. |Ni Rio Trayco

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog