ENROLLMENT PARA SA SY 2023-2024, BINUKSAN NA NG DEPED

 

 

Tatlong linggo bago ang opisyal na pagbubukas ng klase, sinimulan na ng Department of Education (DepEd) ang enrollment para sa School Year 2023-2024. 

Dahil dito, inaasahan naman ng DepEd na tatataas pa ang bilang ng enrollees mula 28.7 milyon sa 28.8 milyon. 

Mababatid na mayroong halos 28.4 milyong estudyante sa 44,931 public schools at 12,162 private schools sa nakaraang academic year. 

Samantala, dahil sa nalalapit na pasukan magsasagawa naman ang DepEd ng Brigada Eskwela Program sa August 14 hanggang August 19. |Ni Teresa Iguid

 

 

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog