‘MASS GRAVE’ SA NBP NAKATAKDANG IMBESTIGAHAN NG SENADO

 


 

Nakatakda nang simulan ng Senado ang imbestigasyon sa posibleng mass grave sa loob ng New Bilibid Prison’s maximum-security compound bukas, Agosto 8. 

Magsasagawa ng pagdinig ang Committee on Justice and Human Rights sa pangunguna ni Sen. Francis Tolentino matapos na maghain ang senador ng resolusyon na nagtutulak ng imbestigasyon sa posibleng mass grave matapos madiskubre ang bangkay sa loob ng isang septic tank sa paghahanap sa nawawalang preso. 

Ang naturang hakbang ay layong mabusisi ng komite ang mga insidente kamakailan sa Bureau of Corrections na maaaring makakompromiso sa seguridad at kaligtasan ng persons deprived of liberty sa national penitentiary. 

Samantala, inaasahan din na magsasagawa pagdinig ang Kamara sa susunod na linggo. |Ni Teresa Iguid

 

 

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog