NO. 4 AT NO. 6 MOST WANTED PERSONS, ARESTADO SA MAGKAHIWALAY NA OPERASYON NG MALAY PNP

 


 

Matagumpay na naaresto ng operatiba ng Malay PNP ang itinuturing na No. 4 at No. 6 na most wanted persons sa magkahiwalay na manhunt operations sa Brgy. Manocmanoc and Bgy. Yapak, sa bayan ng Malay.

Ang pagka-aresto sa 25-anyos na akusado sa Sitio Bantud, Brgy. Manocmanoc na itinuturing din na No. 4 most wanted person sa municipal level, ay sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape o paglabag sa R.A. 8353 na may Criminal Case Numbers 16892, 16893, 16894, and 16895, kung saan wala namang itinakda na pyansa ang korte para sa pansamantala nitong kalayaan. 

Habang sa isa pang ikinasa na manhunt operation ay naaresto naman ang 29-anyos na lalaki at itinuturing na Number 6 Most Wanted Person sa municipal level sa Brgy. Yapak, Malay. 

Naaresto naman ito sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape o paglabag sa R.A 7610 sa dalawang counts (2) counts ng Sexual Assault na may Criminal Case Numbers 16909 at 16910 at may tag PHP 200,000.00 na piyansa sa bawat counts. 

Samantala agad namang dinala sa Malay Police Station ang mga akusado para sa karampatang disposisyon. |Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog