5 REHIYON, NAKA-RED ALERT DAHIL SA BANTA NG SUPER TYPHOON GORING


 

Naka-red alert status ngayon ang 5 rehiyon sa Luzon dahil sa banta ng super typhoon Goring. 

Sa isang pahayag sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), na kabilang sa limang rehiyon na inilagay sa pinakamataas na alert status ay ang Cordillera, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, at Mimaropa. 

Layon nito na mas matutukan ang pagresponde at ang mga pangangailangan sa Bagyong Goring, kung kaya’t maging ang naturang ahensya ay naka-red alert na at magpapatupad ng mataas na kahandaan dito. 

Sa kabila nito, ipinasiguro naman ng NDRRMC na walang dapat ipag-alala sa red alert status, dahil ito ay isang internal protocol lamang na ipinatutupad ng NDRRMC at member agencies. 

Kaugnay dito, una na ring sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakaabang na ang 10,000 food packs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa northern Luzon. 

Samantala, sa huling ulat ay isa nang super typhoon ang bagyong Goring habang nasa dagat sakop ng Cagayan at Isabela. |Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog