OKTUBRE, IDEKLARANG COMMUNICATIONS MONTH NI PRES. MARCOS

 


Idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang buwan ng Oktubre kada taon bilang “Communications Month.”

Ito ay base sa inilabas na Proclamation No. 308 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin kung saan layuning kilalanin ang mahalagang papel ng kumunikasyon at impormasyon sa nation-building.




Kasama rin sa proklamasyon ang pag-takda sa October 11 na anibersaryo ng Presidential Communications Office (PCO).

Binigyang diin ni Marcos sa kanyang pahayag ang kahalagahan ng pakikiisa ng publiko at ng industriya ng pamamahayag sa mga usapin sa pamamalakad ng pamahalaan.

Ilan sa maaring gawin sa “Communications Month” ay ang pagpili ng programa, proyekto at aktibidad para sa  taunang selebrasyon. |Ni Rio Trayco

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog