17-ANYOS NA BINATILYO, NALUNOD SA BAYBAYIN NA SAKOP NG BRGY. BAKHAW NORTE, KALIBO

 



Patuloy na pinaghahanap ang 17-anyos na binatilyo na naiulat na nalunod sa baybayin na sakop ng Brgy. Bakhaw Norte, Kalibo pasado ala-una nitong hapon.

Kinilala ang biktima na si Niño Arandilla at residente ng nabanggit na lugar.

Sa pahayag ng ina ng biktima nabatid na nagkayayaan ang biktima at mga kaibigan nito na maligo sa naturang lugar nang hindi nagpapaalam dito.

Habang ayon naman sa mga kaibigan nito, minsan na rin silang naligo sa lugar ngunit hindi nila inaasahan na mangyayari ito sa kanilang kaibigan.

Kumbisido din ang mga ito na posibleng nagpanic ang biktima kung kaya’t nadala ito ng malakas na agos ng tubig sa malalim na parte ng dagat.

Samantala, patuloy naman ngayon ang ginagawang search and rescue operation ng mga otoridad sa naturang insidente. |Jurry Lie Vicente

 

 

 

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog