ASSETS NI TEVES, IPINA-FREEZE KASUNOD NG PAGDEKLARA SA KANYA
NG GOBYERNO NA TERORISTA
Matapos ideklara ng gobyerno bilang isang terorista si
suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr., ipinag-utos din ng Anti-Money
Laundering Council (AMLC) ang pag-freeze ng mga ari-arian nito.
Kasama sa inilabas na freeze order ang mga assets ng kapatid
ni Teves na si dating Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves, at 11 pang
tinawag na mga terorista ng Anti-Terrorism Council.
Kabilang sa mga apektado nito ay ang mga pag-aari at kontroladong assets ng 13 kabilang sa listahan.
Nagbabala naman ang AMLC na ang sino mang mahuling
nagbibigay ng tulong sa mga Teves at iba pang kasamahan ay maaring makasuhan sa
ilalim ng anti-terrorism financing law.
Matatandaang nag-ugat ang pag-iimbestiga ng Anti-Terrorism
Council, dahil sa pagpatay kay Governor Roel Degamo at iba pang kaguluhan na
nangyayari sa Negros Oriental kung saan ang mga Teves umano ang may kagagawan. /
0 Comments