DEKORASYON SA MGA CLASSROOMS, PINABAKLAS NI VP SARA

 


DEKORASYON SA MGA CLASSROOMS, PINABAKLAS NI VP SARA

Ni Jurry Lie Vicente

 

Nagpaalala si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa lahat ng public school teachers at mga administrador na tanggalan ang lahat ng dekorasyon sa silid-aralan upang makapag-focus ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral.

Matandaan na nagpalabas ng kautusan ang DepEd kaugnay sa ‘implementing rules’ ng Brigada Eskwela kung saan nanawagan sa mga paaralan na tiyaking libre ang pasilidad sa “unnecessary artwork, decorations, tarpaulin and posters sa lahat ng oras.”

Napag-alaman na inalis ni Duterte ang mga dekorasyon sa silid-aralan sa Davao del Sur sa isinagawang Brigada Eskwela initiative.

Samantala, may ilang guro ang nagpahayag na malaki ang naitutulong ng dekorasyon sa mga estudyante lalo na sa mga kabataang mag-aaral.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog