HAGDANG KAWAYAN, GINAWANG ALKANSYA; LIBU-LIBONG BARYA, NAIPON

 


HAGDANG KAWAYAN, GINAWANG ALKANSYA; LIBU-LIBONG BARYA, NAIPON

Ni John Ronald Guarin

 

KanIya-kanIyang hula ang netizens kung magkano ang naipon ng isang lalaki sa hagdang kawayan na ginawa niyang alkansya.

 

Sa Facebook post ni Joel Enriquez, ibinahagi niya na binakbak niya ang hagdan at binuksan ang alkansya dahil puno na ito.

 

Dinahan-dahan naman niya ang pagtanggal sa hagdan na nakadikit sa double-deck na gawa rin sa kawayan para muli itong magamit.

 

Wala namang perang papel na inipon si Enriquez dahil aniya bubukbukin o aanayin lamang ito kapag itinago sa kawayan.

 

Samantala, may pa-suspense pa ang Facebook user kung magkanong barya ang naipon niya.

 

Via Joel Enriquez/Facebook

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog