PCG, NAKA- HEIGHTENED ALERT NA SA BALIK-ESKWELA

 


PCG, NAKA- HEIGHTENED ALERT NA SA BALIK-ESKWELA

Ni Jurry Lie Vicente


Naka-heightened alert status ang lahat ng Coast Guard District Station at Sub-Station sa bansa simula ngayong araw, Agosto 22 hanggang Setyembre 1.


Ito ang iminandato ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu, bilang suporta sa Oplan Biyaheng Ayos: Balik Eskuwela 2023 ng Department of Transportation (DOTr).


Ayon kay Abu, layunin nitong matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga biyahero gayundin ang maayos at matiwasay na biyahe sa mga pantalan.


Kaugnay nito, tinitiyak ng PCG na maibigay ang pangangailangan ng mga pasahero sa pamamagitan ng “DOTr Malasakit Help Desk” na makikita sa mga port passenger terminal kasama ng Philippine Ports Authority (PPA) at Maritime Industry Authority (MARINA).

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog