DEATH TOLL SA NANGYARING WILDFIRE SA HAWAII UMAKYAT NA SA 80


 

Umakyat na sa 80 indibidwal ang namatay sa nangyaring wildfire sa Lahaina, Hawaii. 

Kaugnay dito, nabatid sa Federal Emergency Management Agency (FEMA) mahigit 2,200 structures ang nasira bunsod ng apoy . 

Habang aabot naman sa $5.5 billion ang halaga ng naging pinsala batay sa inisyal na pagtataya. 

Sa ngayon, aabot naman sa 1,400 katao ang kasalukuyang nasa emergency evacuation shelters. 

Samantala nagbabala naman si Gov. Josh Green na posibleng tumaas pa ang bilang mga fatalities. |Ni Teresa Iguid

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog