COMELEC AKLAN, MAY PAALALA KAUGNAY SA IMPLEMENTASYON NG GUN BAN

 


Nagpaalala ang Commission on Election (COMELEC) Aklan kaugnay sa pagpapatupad ng gun ban simula Agosto 28 hanggang Nobyembre 29, 2023.

Ito ay kaugnay pa rin sa paparating na 2023 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo kay Comelec Aklan Spokesperson Crispin Reymund Gerardo, binigyang-diin nito na hindi pwedeng magdala ng baril sa labas ng mga nabanggit na petsa.

Paliwanag pa nito, kahit na may permit to carry o mission order ay mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagdala ng baril gayundin ang mga men in uniform maliban na lamang kung nakasuot ang mga ito ng uniporme.

Maliban sa baril, ipinagbabawal din ang pagdala ng anumang uri ng armas o bagay na nakakamatay. 

Samantala, ang sinumang lalabag sa nasabing panuntunan ay mahaharap sa kaukulang penalidad. |Ni Jurry Lie Vicente

 

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog