PROBLEMA SA PAGBAHA SA PILIPINAS, IIMBESTIGAHAN NG SENADO

 


 


Nakatakdang magsagawa ng hearing ang Senado sa Agosto 9 para imbestigahan ang problema sa pagbaha sa Pilipinas. 

Layunin nitong makagawa ng master plan para sa mga flood control program sa mga rehiyon sa bansa. 

Sa isang pahayag, sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na magsasagawa ang kamara ng inquiry in aid of legislation sa mga plano ng gobyerno para maprotektahan ang mga residente sa lungsod ng Maynila at iba pang lugar sa mga probinsya. 

Kaugnay nito, isinusulong ng mga Senador ang isang integrated master plan sa buong bansa  na pabibilisin ang flood control programs sa mga binabaha na rehiyon sa bansa. |Ni Jurry Lie Vicente

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog