300,000 MT NG IMPORTED NA BIGAS, INAASAHANG DARATING SA BANSA

 


Inanunsyo ng rice industry group na nasa 300,000 metric tons ng imported na bigas ang inaasahang darating sa bansa.

Ayon sa Philippine Rice Industry Stakeholders Movement (PRISM), nasa 300,000 metric tons ng bigas ang darating ngayong buwan at sa Setyembre.

Ngunit sinabi ng PRISM na hindi nito matitiyak na mapababa ang presyo ng bigas.

Samantala, inihayag ni DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban na nakipag-ugnayan ang ahensya sa Vietnam at India kung saan ilang Vietnamese exporters ang nag-alok ng $30 hanggang $40 na mas mababa sa mga pribadong negosyante. |Ni Jurry Lie Vicente

 

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog