DAM SA NORWAY, BAHAGYANG BUMIGAY DAHIL SA BAHA

 

DAM SA NORWAY, BAHAGYANG BUMIGAY DAHIL SA BAHA

Ni Rio Trayco

Bumigay ang parte ng isang dam sa bansang Norway dahil sa ilang araw na walang patid na pagbaha.

Bahagyang nasira ang Braskereidfoss power dam na makikita sa Glomma River na itinuturing na pinakamalaking daanan ng tubig sa nasabing bansa.

Ayon sa otoridad, wala namang senyales ng agarang bagbaha matapos ang insidente at normal naman umano ang pagdaloy ng tubig na nasirang parte ng dam.

Maraming mga kalsada at linya ng transportasyon ang pansamantalang sinuspinde dahil sa pag-apaw ng mga ilog.

Napag-alamang libo-libong residente ang inilikas sa ibat-ibang lugar doon dahil sa pagtaas ng lebel ng tubig na ngayon lang naranasan sa loob ng 50 taon.

Samantala nanatili naman na nakataas ang red alert dahil sa posibleng pagtaas pa ng tubig sa mga mababang lugar.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog