PAGPAPATAYO NG OCEAN PARK SA BORACAY, ITINIGIL MUNA DAHIL SA ISYU SA FORESTLAND -MAYOR BAUTISTA

PAGPAPATAYO NG OCEAN PARK SA BORACAY, ITINIGIL MUNA DAHIL SA ISYU SA FORESTLAND -MAYOR BAUTISTA

Ni Teresa Iguid


Pansamantala munang sinuspende ang konstruksyon ng Ocean Park sa bahagi ng Puka Beack sa Brgy. Yapak, Isla ng Boracay.

Ito ang kinumpirma ni Malay Mayor Floribar Bautista sa pogramang Foro De Los Pueblos matapos ilang katanungan ng publiko kaugnay sa tila pagkakatengga ng naturang istraktura.

Aniya sa kabila ng kumpletong permits ay pansamantala muna itong ipinatigil dahil sa ilang mga paglabag ngunit agad ding sisimulang buuin muli sa oras na maayos ito.

Dagdag pa nito, nagkaroon na rin aniya sila ng ilang serye ng pagpupulong kasama ang management nito kung saan isinailalim sa monitoring ng DENR dahil sa isyu kaugnay sa forest land.

Samantala naniniwal naman ang alkalde na Malaki ang magiging tulong nito sa turismo sa oras na matapos na target na humakot ng turista partikular na sa mga kabataan.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog