8-ANYOS NA BATANG NA-KIDNAP, NIRESKYU SA MANDAUE CITY

 

(Photo courtesy : CDN Digital)

8-ANYOS NA BATANG NA-KIDNAP, NIRESKYU SA MANDAUE CITY

Ni John Ronald Guarin

 

Sinagip ng ng Mandaue City Police ang Filipino-Korean na 8-anyos na batang babae na pinaniniwalaang na-kidnap nitong Agosto 10, Huwebes, sa mismong bahay ng bata sa Barangay Bakilid, Mandaue City.


Inaresto ng kapulisan ang suspek na 32-anyos na lalaki, kung saan inilagay niya ang bata sa loob ng maleta at idinila sa isang apartment sa parehong barangay.


Kinilala ang suspek na si Godiflor Rama, na residente ng Bukidnon, at nagtatrabaho bilang caretaker ng apartment kung saan nakatira ang biktima at mga magulang nito.


Sa ngayon, ligtas na ang biktima at kasalukuyang nasa Women Children’s Protection Desk ng Subangdaku Police Station.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog