MAHIGIT 2K NA KASO NG LEPTOSPIROSIS, NAITALA SA BANSA- DOH
Aabot sa 2,079 ang naitalang kaso ng leptospirosis mula
Enero 1 hanggang 15, ayon sa Department of Health (DOH).
Batay sa datos, mayroong 182 na bagong kaso ang naitala mula Hunyo 18 hanggang Hulyo 1, kung saan may 42% na pagtaas mula sa 128 kaso na iniulat sa nakalipas na dalawang linggo.
Ang Rehiyon III ay nagpakita ng patuloy na pagtaas ng mga kaso sa nakalipas na anim na linggo sa 9 na kaso sa nakalipas na dalawang linggo o mula Hulyo 2 hanggang 15.
Habang nagpakita rin ang siyam na rehiyon, katulad ng NCR, CAR, Regions II, IV-A, IV-B, IX, X, XI, at Caraga, ng pagtaas ng mga kaso ng leptospirosis sa nakalipas na tatlo hanggang apat na linggo na may pito hanggang 53 na bagong kaso, habang ang Rehiyon I at V ay tumaas rin ang mga kaso sa nakalipas na dalawang linggo na may siyam at tatlong kaso ng leptospirosis.
Samantala umabot naman sa 225 ang bilang ng namatay sa mga naiulat na kaso. /Ni Teresa Iguid
0 Comments