Photo Courtesy: Emerging Philippines |
DAGDAG NA P8.4 BILYON SA ILOILO
MEGA DAM PROJECT, APRUBADO NG PANGULO
Inaprubahan ni Pangulong
Ferdinand Marcos Jr. ang dagdag na P8.4 bilyon para sa konstruksyon ng mega dam
project sa probinsya ng Iloilo.
Ayon sa National Irrigation
Administration (NIA), ang nasabing proyekto ay tinatawag na Jalaur River
Multipurpose Project Stage II (JRMP-II) na isinasagawa sa bayan ng Calinog sa
Iloilo.
Photo Courtesy: Emerging Philippines |
Nauna nang pinondohan ang
naturang proyekto na nasa P11.2 bilyon kung saan ang P8.9 bilyon ay inutang
mula sa Export-Import Bank ng Korea habang ang natitirang P2.3 bilyon ay mula
sa national government.
Ipinahayag ni JRMP-II na layunin ng naturang proyekto na palakasin ang rice production sa Iloilo at nakatakda sanang matatapos sa Pebrero 9, 2023.
Photo Courtesy: Emerging Philippines |
Ngunit, ito’y naantala dahil
sa ilang mga problema tulad ng pagtaas ng inflation rate na nakaapekto sa
biglang pagtaas ng presyo ng mga materyales at manggagawa; pagka-delay sanhi ng
COVID-19 restrictions; at ang hindi inaasahang masamang panahon sa construction
site ng tatlong dam at mga imbakan ng tubig nito.
Samantala, nasa 68.56% na
ang natapos sa naturang dam at dalawa mula sa tatlong dam ay halos kumpleto na
kung kaya’t inaasahan na magiging operational ito sa susunod na taon. |
0 Comments