11-12 HOUSING UNITS, KINANDADO NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG KALIBO

 


11-12 HOUSING UNITS, KINANDADO NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG KALIBO

  

Nasa 11 hanggang 12 na mga housing units ang kinandado ng lokal na pamahalaan ng Kalibo matapos ang ilang paglabag ng mga benepisyaryo sa mga alituntunin sa pag-okupa ng libreng pabahay ng gobyerno. 

Ito ang sinabi ni Engr. Marlo Villanueva ng Kalibo Municipal Planning and Development Office sa programang Foro De Los Pueblos, kung saan ito aniya ay alinsunod sa naging rekomendasyon ng National Housing Authority (NHA). 

Ani Villanueva, itong mga binawian ng units ay kabilang sa mga nauna nang inisyuhan ng notice of violation, kung kaya’t kumbinsido rin ito na nabigyan na ng sapat na oras ang mga ito na ma-comply ang mga kinakailangan upang mapanatili ang karapatan sa nasabing unit. 

Ipinunto rin nito na sa oras na mapiling mabigyan ng unit ay kailangan ng mga itong sundin ang itinakdang panuntunan ng lokal na pamahalaan hinggil sa pag-okupa ng pabahay at ang sinuman aniya na lalabag dito ay may posibilidad na bawian ng unit. 

Samantala nakatakda naman na mapunta ang naturang mga unit sa mga kwalipikadong benepisyaryo na naghihintay na mapabilang sa mga mabibigyan ng pabahay. |Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog