4 NA MGA BARANGAY SA INDANAN, SULU, ABU-SAYYAF-FREE NA

 


4 NA MGA BARANGAY SA INDANAN, SULU, ABU-SAYYAF-FREE NA

Ni John Ronald Guarin

 

Idineklara ng Provincial Task Force to End Local Armed Conflict (PTF-ELAC) ang apat na mga barangay sa Indanan, Sulu na wala nang impluwensiya ng Abu Sayyaf Group (ASG).

 

Ang mga barangay sa Indanan na deklaradong wala nang presensya at nanghikayat na mga bandido ay ang Barangay Kagay, Sawaki, Tumantangis, at Bud Taran.

 

Ayon kay BGen. Taharuddin Ampatuan, assistant commander ng 11th Infantry Division ng Philippine Army, ang PTF-ELAC ay ang Sulu version ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), sa ilalim ng E.O. 70 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Sinabi ni Ampatuan, ang deklarasyon ay inihayag ng Area Clearing Validation Board (ACVB) sa kasagsagan ng meeting na ginanap sa Camp Bud Datu, ang punong tanggapan ng 1103rd IB, sa Barangay Tagbak sa bayan ng Indanan, Sulu.

 

Ayon sa heneral, ibinabà ang naturang deklarasyon matapos ang presentasyon ni Capt. Omar Pamen, civil military officEr ng 1103rd IB, sa magandang resulta ng Community Support Program-Preventing and Countering Violent Extremism o CSP-PCVE.

 

Lubos naman ang pasasalamat ni Gen. Ampatuan sa tagumpay ng CSP-PCVE, sa pamamagitan ng suporta't kolaborasyon ng lokal na pamahalaan ng Indanan, at sa mga kasangga nitong stakeholders.

 

Umaasa si Gen. Ampatuan na magtuluy-tuloy na ang kapayapaan at pag-unlad ng Sulu, partikular na ang munisipyo ng Indanan.

 

 

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmeña Ave., Kalibo, Aklan.

 

👉Maaari ring umorder thru shopee

🛒https://shopee.ph/clinicadealternativomedicina

For More Inquiries Call Us At: 0966-901-9208

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog