ANTIQUE, NIYANIG NG 4.5-MAGNITUDE NA LINDOL


 
 

Yumanig ang 4.5-magnitude na lindol sa Antique nitong Martes ng gabi, Agosto 29, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). 

Nabatid sa Phivolcs na ang lindol ay tumama alas-9:17 ng gabi na may epicenter sa layong 21 kilometro (km) timog-kanluran ng Anini-y, Antique.

Naganap ito sa mababaw na lalim na 36 km sa ilalim ng epicenter. 

Dahil dito, naramdaman ang lindol sa Intensity III sa San Jose de Buenavista, Antique. 

Habang Intensity III naman ang naramdaman sa Anini-y, Antique; Intensity II sa San Jose de Buenavista, Antique; at Intensity I (scarcely perceptible) sa Valderrama, Antique, at Sipalay City, Negros Occidental.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang lindol na dulot ng paggalaw ng active fault malapit sa lugar, habang hindi naman inaasahan ang pinsala o aftershocks. |Ni Teresa Iguid

 

 

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog