BREAKING NEWS | DAVAO OCCIDENTAL, NIYANIG NG MAGNITUDE 4.8 NA LINDOL

 

BREAKING NEWS | DAVAO OCCIDENTAL, NIYANIG NG MAGNITUDE 4.8 NA LINDOL


Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang Davao Occidental kaniang 11:11 ng umaga, Agosto 10, batay sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Namataan ang sentro nito sa Balut Island na sakop ng bayan ng Sarangani sa Davao Occidental kung saan may lalim itong 132km.

Ayon sa Phivolcs ang pagyanig ay hindi inaashang magdadala ng matinding pinsala sa mga istruktura at wala rin nakikitang aftershocks.

Matatandaang kahapon ay niyanig din ng magnitude 5.3 na lindol ang Davao Region na dahilan ng pag-evacuate ng mga tao sa matataas na gusali. | RIO TRAYCO


via DOST PAGASA

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog