CIVIL DISTURBANCE MANAGEMENT PERSONNEL NG APPO, NAKABANTAY SA BAYAN NG KALIBO

 

CIVIL DISTURBANCE MANAGEMENT PERSONNEL NG APPO, NAKABANTAY SA BAYAN NG KALIBO

Ni Jurry Lie Vicente


Nakabantay ngayon ang Civil Disturbance Management (CDM) personnel ng Aklan Police Provincial Office (APPO) gayundin ang Kalibo Municipal Police Station bilang paghahanda sa Ninoy Aquino Day.


Sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo kay PNP Chief PLTCOL. Ricky Bontogon, hepe ng Kalibo PNP, sinabi nito na nakalatag na ang deployment ng mga kapulisan sa bayan ng Kalibo sakaling magkaroon ng rally ang grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN AKLAN).


Aniya, wala namang nagsagawa ng rally ngayong araw habang nanatili pa rin ang pagbabantay ng mga otoridad sa mga pangunahing lugar sa Kalibo.


Dagdag pa nito, hindi ipinagbabawal ang pagsasagawa ng assembly meeting o rally ngunit kinakailangang mapayapa ito at hindi nakaka-istorbo sa daan.


Samantala, nakahanda silang i-activate ang Critical Incident Management Team kung kinakailangan sakaling magkaroon ng riot dulot kilos protesta.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog