34 NA TRIBU, LALAHOK SA 2024 KALIBO SADSAD ATI-ATIHAN CONTEST

 


34 NA TRIBU, LALAHOK SA 2024 KALIBO SADSAD ATI-ATIHAN CONTEST

Ni Jurry Lie Vicente

 

Nasa 34 na mga tribu ang nakatakdang lalahok para Kalibo Sadsad Ati-Atihan Contest sa selebrasyon ng Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Festival 2024 habang isasagawa naman sa Enero 20, 2024 ang whole day judging contest.

 

Ito ang inihayag ni Mr. Boy Ryan Zabal, Chairman ng Sadsad Parade committee, sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo.

 

Sa nasabing numero, nasa 10 grupo ang lalahok para sa Modern Group at 8 naman para sa Tribal Big, Tribal Small at Balik-Ati Category.

 

Aniya, nagsagawa na ng pagpulong ang mga komiteng mamumuno sa street dancing contest   ng mga grupo at tribu nitong Hulyo 22 at Agosto 12, 2023 kung saan dinaluhan ito ng iba’t-ibang tribu at grupo mula sa mga bayan sa probinsya ng Aklan.

 

Kaugnay nito, inihahanda na aniya ng Kalibo Ati-Tihan Festival Board at Local Government ang pag-release ng subsidy para sa mga kalahok.

 

Napag-alaman na nasa ₱130,000 ang inilaang subsidy para sa Tribal Big, ₱100,000- Tribal Small, ₱80,000- Modern Tribal, at ₱70,000 para sa Balik Ati.

 

Samantala, layunin aniya nito na mabili ng mas maaga ang kanilang mga kakailanganin materyales para sa gaganaping kompetisyon.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog