3 GRUPO, HINDI NA KASALI SA 2024 KALIBO SADSAD ATI-ATIHAN CONTEST; BAGONG GRUPO, INAASAHAN



3 GRUPO, HINDI NA KASALI SA  2024 KALIBO SADSAD ATI-ATIHAN CONTEST; BAGONG GRUPO, INAASAHAN

Ni Jurry Lie Vicente


Tinatayang nasa tatlong grupo ang hindi na makakasali sa 2024 Kalibo Sadsad Ati-Atihan Contest habang may mga bagong grupo mula sa Tribal Group, Modern, Balik-Ati, at Tribal Small ang inaasahang lalahok sa nasabing kompetisyon.


Ito ang kinumpirma ni Mr. Boy Ryan Zabal, Chairman ng Sadsad Parade Committee, sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo.


Batay aniya Evaluation Report, may isang tribu na hindi nakamit ang mga mandatory requirements noong 2023 pagdating sa number of required dancers at pagsusuot ng uniporme sa araw ng kompetisyon habang ang dalawang iba pa ay walang malinaw na dahilan.


Paliwanag pa nito, mayroon aniyang required number at material para sa judging kung saan nakitaan ang mga ito ng mga paglabag.


Dagdag pa nito, ilan sa mga kalahok na grupo ay hindi pa nayari ng maayos ang costume habang ang iba naman ay hindi pa natapos sa kabila nang ibinigay na subsidy ng LGU upang magamit ng mga tribu.


Sa huli, sinabi nito na layon nitong maipakita sa mga kalahok ang paglagay ng guide at kasunduan gayundin ang pagrespeto sa mga mechanics sa contest.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog