2ND DRAGON FRUIT FESTIVAL SA PROBINSYA NG GUIMARAS, BINUKSAN NGAYONG AGOSTO 4

 

                                    (Photo from Province of Guimaras, and Iloilo Metropolitan Times)


2ND DRAGON FRUIT FESTIVAL SA PROBINSYA NG GUIMARAS, BINUKSAN NGAYONG AGOSTO 4

Ni John Ronald Guarin

 

Pormal na binuksan ngayong Agosto 4, araw ng Biyernes, ang 2nd Dragon Fruit Festival.


Sa isinagawang opening parade sa Provincial Capitol Grounds, ibinida ang mga magagandang dragon fruit costume.

 

Binuksan rin ng gobyerno probinsyal ang trade fair kung saan makakabili ang mga mamamayan ng sariwang dragon fruit at iba pang produkto na may sangkap na dragon fruit.

 

Noong nakaraang kapistahan, umabot sa 946 kilos ang naibentang dragon fruit, kaya positibo ang gobyerno probinsyal na malalagpasan ito ngayong taon.

 

Maliban sa trade fair, may gaganapin rin International Business Forum para sa mga magsasaka at mga interesadong mag-negosyo ng dragon fruit.

 

Sa 10-araw na selebrasyon, inaanyayahan ng Provincial Government ang mga turista na bisitahin at tikman ang dragon fruit sa isla ng Guimaras dahil hindi lamang world class mangoes ang kanilang ipinagmamalaki.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog