17 PATAY, 18 NAWAWALA SA LANDSLIDE SA GEORGIA

 


17 PATAY, 18 NAWAWALA SA LANDSLIDE SA GEORGIA

 

Ni John Ronald Guarin

 

Umabot na sa 17 katao ang nasawi sa nangyaring landslide sa bahagi ng Shovi sa bansang Georgia na nag-umpisa noong Biyernes, ika-4 ng Agosto, dahil sa tuloy-tuloy na malakas na pag-ulan.

 

Sa ikatlong araw ng search and rescue operation, inanunsyo ng Georgian Internal Affairs Ministry’s Emergency Management Service na patuloy na pinaghahanap ang nasa 18 katao sa naturang mabundok na bahagi ng lugar kung saan naganap ang landslide.

 

Dagdag pa ng mga otoridad, nasa pito pa lamang na mga bangkay ang nakilala dahil sa kanilang DNA analysis at medyo tatagal pa ito dahil iisa-isahin nilang kunin ang DNA sample ng mga nasawing biktima.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog