BANGA PNP, NAGBABALA SA PUBLIKO HINGGIL SA OPERASYON NG ILLEGAL GAMBLING

 


BANGA PNP, NAGBABALA SA PUBLIKO HINGGIL SA OPERASYON NG ILLEGAL GAMBLING

Ni Jurry Lie Vicente


Nagbabala ang Banga Municipal Police Station hinggil sa laganap na operasyon ng bookies o Illegal na nagpapataya ng Number Game.


Ito ang ipinaabot ni PCPT. Benny Jones Mendoza, Hepe ng Banga PNP, sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo.


Aniya, hindi sila titigil sa pag-operate at pagpapatupad ng anti-illegal gambling sa bayan ng Banga kung saan may mga panuntunan at regulasyon na dapat aniyang sundin.


Dagdag pa nito, minsan aniya ay nagiging ugat ito ng kaguluhan lalo na kapag hindi nababayaran ngunit wala namang masisingil dahil iligal ito.


Nanawagan din ito sa publiko na itigil na ang iligal na aktibidad gayundin ang pagtaya sa illegal gambling.


Matandaan na inaresto ng mga otoridad ang isang nagpapataya ng bookies sa Brgy. Tabayon Banga kung saan narekober mula sa subject ang marked money, illegal gambling paraphernalia, cotejo at perang nagkakahalaga ng P1,050 bilang taya.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog