AFP, ITINANGGI ANG PAGPADALA NG MGA KADETE SA CHINESE MILITARY SCHOOLS



Sa gitna ng tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China, nilinaw ni Armed Forces of the Philippines chief of staff General Romeo Brawner Jr. na hindi nagpapadala ng mga Pilipinong kadete sa mga military schools ng China ang AFP.

Ito ay matapos sitahin ng ilang Senador ang umano’y kasunduan ng AFP sa Chinese Military sa ilang training sa bansang China.

Nilinaw ni Brawner na tanging mga opisyal sa AFP ang ipinapadala sa naturang bansa sa ilalim ng memorandum of understanding (MOU) sa defense cooperation na nilagdaan noong 2004.

Tanging sa mga bansang United States, Australia, Japan at South Korea lamang nagpapadala ng mga kadete ang AFP para sa karagdagang pag-aaral.

Matatandaang naging mainit ang tensyon nang gamitan ng water cannon ng China ang supply ship ng AFP sa Ayungin Shoal.

Mariing kinondena ng mga opisyal ng bansa ang insidente, at may mga ginagawa pang hakbang ang gobyerno para hindi na ito maulit. |Ni Rio Trayco

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog