LALAKI, NAGKASA NG BARIL HABANG KINOKOMPRONTA ANG ISANG SIKLISTA



Viral ngayon sa social media ang video ng isang insidente ng road rage sa Quezon City kung saan mapapanood ang isang motorista na naglabas at nagkasa ng kanyang baril matapos nagkasagutan sa daan ang isang siklista. 

"The cycling community is requesting for help to identify this individual who was driving a Kia car around 6:00PM last August 8,2023 near Welcome Rotonda," ayon sa viral Facebook post ng abogadong si Raymund Fortun. 

"He cut across this cyclist, assaulted and pulled out a gun on the unarmed cyclist, a criminal offense under our penal laws. He appears to be a government employee, in light of a lapel pin," saad pa nito. 

Kaugnay nito, nahanap na ang impormasyon ng sasakyan at kinilala na ang may-ari nito at kung saan ito nakatira. 

Sa ngayon, hinihintay pa kung ilalabas sa publiko ang detalye nito. | JOHN RONALD GUARIN (Facebook/Raymond Fortun) 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog