LALAKING NAGTANGKANG UMIYAK NG 100-ORAS, PANSAMANTALANG NABULAG

 


LALAKING NAGTANGKANG UMIYAK NG 100 ORAS, PANSAMANTALANG NABULAG

Ni John Ronald Guarin

 

Temporaryong nabulag ang isang Nigerian na komedyante at content creator na si Tembu Daniel dahil sa ilang oras na pag-iyak dahil sa tangka nitong makaiyak ng mahigit 100 oras at makakuha ng rekord na ‘longest time crying.’

 

Pinatigil muna sa pag-iyak ang lalaki matapos ang unang anim na oras dahil sa side effects nito tulad ng pagsakit ng ulo, pagmamaga ng mukha, at temporaryong pagkawala ng paningin.

 

Ayon sa kasama ni Daniel, umabot sa 45 minutos ang pagkawala ng paningin ng content creator kaya pansamantala muna itong nagpahinga.

 

Sa kabila nito, hindi rin klaro kung nakumpleto ni Daniel ang 100 oras na tuloy-tuloy na pag-iyak at hindi rin siya tumawag sa Guinness Records tungkol sa kaniyang crying marathon.

 

Ayon naman sa Guinness, wala silang balak na i-monitor ang pagtangka ni Daniel dahil hindi ito pasok sa kanilang criteria.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog