DILG, TINIYAK SA MGA LGU ANG MAAYOS NA BALIK-ESKWELA

 


Tiniyak ng Department of Interior and Local Government sa mga Local Government Units sa buong bansa na makakatulong sa nalalapit na pagbabalik-eskwela.

Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos, kailangan na maging prayoridad ng mga LGU ang maayos na pagbubukas ng klase at matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante at mga guro, kabilang na ang mga magulang.

Inirekomenda rin ng opisyal ang paglagay ng mga Closed Circuit television camera sa paligid ng mga eskwelahan.

Maliban sa mga LGU, iminandato rin ng DILG sa PNP at BFP na magtulungan para sa maayos na pagbabalik-eskwela.

Kaugnay nito, kabilang rin sa tiniyak ni Sec. Abalos ang bastanteng numero ng mga Law Enforcers at traffic enforcers, Brgy. tanod at mga Force Mulitiplier. |Ni Jurry Lie Vicente

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog