EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION, GINAMIT LANG NG MGA MAY INTERES SA PULITIKA- BAYAN-AKLAN


 

Naniniwala ang Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN-AKLAN) na ginamit lamang ng mga may interes sa pulitika ang naging pag-alsa ng mga Pilipino para sa pantay na karapatan at kalayaan, ilang taon na ang nakakalipas. 

Ito ang binigyang-diin ni Kim Tugna ng Bayan-Aklan sa programang Foro De Los Pueblos, kasabay ng paggunita sa Ninoy Aquino Day bilang pag-alala sa buhay ng yumaong dating Senador na si Benigno "Ninoy" S. Aquino Jr. 

Aniya, marami ang umasa noon sa mga positibong pagbabago dahil sa pagkakapatalsik kay dating presidente Ferdinand Marcos Sr. sa pamamagitan ng Edsa People Power Revolution ngunit tila hindi pa rin aniya nakakamit ang puro pangako ng mga sumunod pang administrasyon. 

Dagdag pa ni Tugna, ngayon na sa ilalim muli ng isa pang Marcos ang bansa ay tila mas tumindi pa ang problemang kinakaharap ng bansa, kabilang na aniya dito ang pagsisimahalan ng mga bilihin, problema sa edukasyon, trabaho at iba pa. 

Hindi rin aniya ito kumbinsido na makakatulong sa mga suliranin ng bansa ang maka ilang beses na pagbyahe ni Pangulong Fredinand Marcos Jr. patungo sa ibang mga bansa na pinaglalaanan naman ng ilang bilyong halaga.

Samantala sa kabila nito ay patuloy naman na hinikayat ni Tugna ang publiko na huwag mawalan ng pag-asa sa lumalalang problema ng bansa. |Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog