WEST PHILIPPINE SEA, ISINAMA NG CHINA SA KANILANG ‘10-DASH LINE’ SA 2023 MAP

 


Pinuna ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang "standard map" na inilabas ng Beijing para sa taong 2023 — kung saan naglalaman ng Philippine features sa West Philippine Sea at ilang bahagi ng India, Taiwan at Malaysia.

Matandaan nang inilabas ng Ministry of Natural Resources ng Tsina ang naturang mapa kasabay ng kanilang pagdiriwang na "Surveying and Mapping Publicity Day" at "National Mapping Awareness Publicity Week."


"The Philippines rejects the 2023 version of China's Standard Map issued b the Ministry of Natural Resources of the People's Republic of China on August 28, 2023, because of its inclusion of the nine-dashed line (now a ten-dashed line) that supposedly shows China's boundaries in the South China Sea. This latest attempt to legitimize China's purposrted sovereignty and jurisdiction over Philippine features and maritime zones has no basis under international law, particularly the 1982 United Nations Convention omn the Law of the Sea (UNCLOS)." pahayag ng DFA nitong Agosto 31, Huwebes.

 

Nangyayari ang ganitong isyu kahit binalewala ng Permanent Court of Arbitration noong 2016 ang nine-dash line claim ng Tsina na umaangkin sa halos buong West Philippine Sea.

 

Patuloy na hindi pinapansin ni Chinese President Xi Jinping ang naturang desisyon ng international court, dahilan para patuloy silang magpaikot-ikot, manggipit, at manghimasok sa West Philippine Sea.

 

| JOHN RONALD GUARIN

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog