ADVISORY | BIYAHE NG ILANG MOTORBANCA SA CATICLAN NANATILING KANSELADO


Kanselado pa rin ang biyahe ng motorbanca sa Caticlan Jetty Port papuntang Hambil Port, San Jose at Sta. Fe Port, Sta. Fe Romblon dahil sa epekto ng bagyong ‘Goring’ base sa Sea Travel Advisory ng Philippine Coast Guard (PCG).

Maliban dito, pansamantalang ipinatigil din ang lahat ng water seasports activities sa isla ng Boracay.

Nagpaalala naman ang PCG sa publiko na iwasan muna ang pagpalaot dahil sa gale warning na  inaasahang magdadala ng malalakas na alon na mapanganib sa maliliit na sasakyang pandagat.

 

 


Post a Comment

0 Comments

Search This Blog