Hindi pa man nakakalabas ang super typhoon Goring ay isa na namang sama ng panahon ang inaasahan na papasok sa PAR.
Sa oras naman na makapasok ito sa PAR ay papangalanan itong Hanna na pang-walong bagyo na papasok sa Philippine Area of Responsibility.
Kaugnay dito, napanatili naman ng bagyong Goring ang kanyang lakas habang papalapit sa Luzon Strait.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 220 km silangan ng Aparri, Cagayan, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 155 km/h malapit sa gitna, bugso na hanggang 190 km/h at kumikikilos pa-hilaga, hilagang-kanluran sa bilis na 10 km/h.
Sa ngayon nakataas naman ang signal no. 3 sa Northern portion ng Babuyan Island, signal no. 2 sa Batanes, natitirang bahagi ng Babuyan Island, at extreme northeastern portion ng mainland Cagayan. Habang signal no. 1 naman sa northern at eastern portion ng mainland Cagayan, southern portion ng Isabela, northern portion ng Apayao at northern portion ng ilocos norte.
Samantala, posible itong lumabas ng bansa bukas o Huwebes ng
umaga, ngunit hindi pa rin inaalis ng PAGASA na mag-landfall ito sa Batanes
bukas ng umaga o hapon.|
0 Comments