ABRIL BILANG NATIONAL BASKETBALL MONTH, APRUBADO NA SA KAMARA


 

Aprubado na sa Kamara ang panukala na nagdedeklara sa Abril bilang National Basketball Month sa Pilipinas. 

Mababatid na layon ng naturang panukala ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez at iba pang mga mambabatas na gunitain ang sport ng basketball at positibong epekto nito sa kultura ng mga Pilipino.

Dagdag pa dito, ninanais din nito na isulong sa pamamagitan ng basketball ang kahalagahan ng physical activity at healthy lifestyle sa lahat ng edad.

Samantala, sa ilalim nito inatasan ang Philippine Sports Commission, sa pakikipagtulungan ng Philippine Olympic Committee, Department of Education, Commission on Higher Education, Games and Amusements Board, Department of the Interior and Local Government, at concerned National Sports Association, na maghanda at magpatupad ng annual program of activities. |Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog