MGA ESTABLISYIMENTO NA WALANG KAUKULAN NA BUSINESS PERMIT, ISINUSULONG NA MATUTUKAN SA KALIBO


 

Isinusulong ngayon ni Kalibo SB Member Ronald Marte na magkaroon ng inspeksyon sa mga establisyemento na walang kaukulang permit sa naturang bayan. 

Sa programang Foro De Los Pueblos, sinabi ni Marte na ang naturang hakbang ay sa kabila ng ilang puna na tila dumarami na ang nag-nenegosyo sa lugar na walang kaukulang business permit. 

Isa aniya sa nakikita nitong dahilan ay nahihirapan ang mga maliliit na negosyante na kumuha ng mga permits mula sa LGU katulad na lamang ng building, zoning at occupancy permit. 

Ito ay dahil sa karaniwang hindi pasok sa kanilang maliliit na negosyo tulad ng mga talipapa at maliliit pwesto ang mga hinihinging permit gayundin ang mahabang proseso sa pagkuha nito. 

Dahil dito, isinuhestyon ni Marte na i-categorized ang mga hinihinging permit ng LGU upang masiguro na hindi kahalintulad sa malalaking commercial building ang requirements na kailangang i-comply ng mga maliliit na negosyante. 

Samantala, ipinunto rin ni Marte na makakatulong itong hakbang upang mayroong makolekta ang LGU kasabay ng pagdami ng nagnenegosyo sa nasabing bayan. |Ni Teresa Iguid

 

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog