75% NG MGA PINOY ‘COMPETENT’ SA WIKANG FILIPINO HABANG 47% NAMAN SA INGLES- SWS


 
 

Nasa 75% o halos tatlo sa apat na adult Filipinos ang mahusay sa paggamit ng wikang Filipino habang halos 47% naman ang “competent” sa wikang English.

Ito ang lumabas sa isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS) kung saan halos 1,200 Pilipinong nasa tamang edad ang nakilahok sa face-to-face poll na isinagawa mula March 26 hanggang March 29, 2023.

Base sa SWS, 96% ng respondents ang nakakabasa ng Filipino; 93% ang nakakaintindi at nakakapagsulat gamit ang wika at 87% ang nakakapagsalita ng Filipino; 75% naman ang nag-iisip sa Filipino habang 1% ang hindi gumagamit ng nasabing kasanayan. 

Habang nasa 80% naman ng mga Pilipino ang nakakaintindi ng spoken English; 80% ang nakakabasa; 69% ang nakakapagsulat; 55% ang nakakapagsalita; at 47% ang nag-iisip gamit ang wika. Tanging 9% ang hindi ginagamit ang nabanggit na mga kasanayan. 

Matatandaan na taong 2020, inilagay ng international language training company Education First ang Pilipinas sa ika-27 pwesto sa Proficiency Index, mas mababa ng pitong pwesto mula sa 2019 rankings ng bansa. |Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog