HINAGIS NA MICROPHONE NI CARDI B., NABENTA NG $100,000 SA ISANG AUCTION

 


Nabili ng tumataginting na $100,000 ang microphone na hinagis ng rapper na si Cardi B. sa isang concert sa Las Vegas, Nevada sa Amerika.

Magugunitang napikon ang rapper matapos itong sabuyan ng inumin ng isang audience habang nasa kalagitnaan ng performance dahilan na batuhin niya ito ng hawak na microphone.

Ilang araw pagkatapos ng insidente ay lumabas sa buying and selling platform na eBay ang microphone na ipinasusubasta sa halagang $99,900.

Mismong ang production company na The Wave ang nag pa-bidding sa nasabing gamit na pag mamay-ari nila.

Nalamang walang isinampang kaso laban kay Cardi B. at nangako naman itong sasagutin ang pagpapagamot ng mga natamaan ng microphone.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog