WESTERN VISAYAS, ITINANGHAL NA 1ST RUNNER -UP SA PALARONG PAMBANSA 2023


 

WESTERN VISAYAS, ITINANGHAL NA 1ST RUNNER -UP SA PALARONG PAMBANSA 2023


Nasungkit ng Western Visayas ang 1st Runner-up sa kakatapos lang na Palarong Pambansa 2023 na isinagawa sa Marikina City.

Bigong makuha ng delegasyon ang kampeonato matapos itong maungusan ng National Capital Region sa dami ng medalya na nakuha sa nasabing palaro.

Batay sa medal tally ng Department of Education, 60 ang naiuwing Gold medals ng Region 6, 45 na silver at 44 ang bronze.




Malayo ito sa 85 na gold ng NCR, 74 na silver at 55 bronze medals.

Ngayong taon tumaas ang ranking ng Western Visayas kumpara sa huling Palarong Pambansa noong 2019 na nasa 2nd runner-up ang delegasyon. |Ni Rio Trayco

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog