4 NA ORAS NA POWER OUTAGE, MARARANASAN SA NAIA 3 SIMULA NGAYONG ARAW


 


Makararanas ang Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng four-hour power supply interruption ngayong August 8 at 9 dahil sa maintenance works. 

Ang scheduled outage ay magsisimula alas-7 ng umaga hanggang alas-11 ng umaga sa south concourse at roadway 2 substations ng paliparan. 

Ayon sa NAIA, ang pansamantalang power shutdown na ito ay kinakailangan upang mapadali ang mahahalagang maintenance at upgrade sa electrical system ng NAIA Terminal 3, na naglalayong pahusayin ang overall reliability nito. 

Habang ipinasiguro din nito na ang inaasahan power interruption ay walang magiging epekto sa mga flight operations. 

Sa power supply cut, sinabi ng NAIA na may nakahandang standby generators sa nasabing substations upang matiyak ang patuloy na suplay ng kuryente sa critical equipment. 

Samantala ang mga apektadong bahagi ay ang Air Asia office, ilang lighting at outlets sa Boarding Gates 101-112, moving walkways at elevators sa Levels 2 at 3 ng international side, independent air conditioning systems para sa Boarding Gates 101-112 at passenger boarding bridges, ramp offices, at food at retail concessionaires sa Level 1. |Ni Teresa Iguid

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog