11K NA PULIS, NAKATAKDANG IPAKALAT SA IBA’T-IBANG PANIG NG BANSA SA PAGBUBUKAS NG KLASE

 

 


Aabot sa 11,000 na mga pulis ang nakatakdang ipakalat ng Philippine National Police (PNP) sa iba’t ibang panig ng bansa para sa pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa Agosto 29. 

Sa isang pahayag, sinabi ni PNP Spokes­person PCol. Jean Fajardo na ang nasabing hakbang ay upang matiyak ang seguridad ng mga magulang, guro at mga mag-aaral sa pagbabalik sa mga paaralan. 

Dito ay aasahan na maglalagay ng mga police assistance desk malapit sa mga paaralan para magbantay ng seguridad at kaayusan sa paligid ng mga paaralan, gayundin ang mga pulis na itatalaga sa mga mobile at beat patrol. 

Inatasan na rin ang mga field commander na makipag-ugnayan sa mga paaralan upang maging maayos ang sistema at hindi mahirapan ang mga estudyante. 

Samantala ipinunto naman ni Fajardo ang kahalagahan ng police visibility na layong maiiwasan ang anumang mga pananamantala at panggugulo kasabay ng pagsisimula ng klase. |Ni Teresa Iguid

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog