GROOM NA WALANG ALAM SA MATH, INIWAN NG BRIDE

 


GROOM NA WALANG ALAM SA MATH, INIWAN NG BRIDE

Ni John Ronald Guarin

 

Nag-walk out ang isang bride sa India matapos na hindi maka-recite ang groom sa simpleng multiplication table by 2.

 

Ayon sa ulat, bago ang kasal nagduda na ang babae sa education background ng kaniyang mapapangasawa dahil isinumbong ng kaniyang pinsan na hindi binanngit ng pamilya ng groom kung saan ito nag-aral.

 

Dahil dito, sa mismong araw ng kasal, kinompronta ng babae ang kaniyang groom na i-recite ang multiplication table by 2 ngunit hindi ito nakasagot.

 

Hindi nagdalawang isip ang babae at agad na umalis kahit alam niyang ‘social taboo’ ito.

 

Matandaan na noong 2015, may nag-walk out din na bride sa naturang bansa matapos na sumagot ang groom ng 17 sa tanong na 15 plus 6.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog