DFA, BINALAAN ANG PUBLIKO LABAN SA MGA NON-AUTHORIZED WEBSITE NA MAPADALI PHILIPPINE E-VISA

 


Nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko laban sa mga hindi otorisadong website na pinapadali ang Philippine e-visas.

Ayon sa DFA, may ilang website na naglalaman ng mga pekeng data sa e-visa maging ang iba pang regulasyon nito.

Paliwanag ng ahensya, ang impormasyon sa e-visa ay inilalathala sa pamamagitan ng mga opisyal na channel nito.

Habang ang sistema ng e-visa ng Pilipinas ay ilulunsad sa Philippine Foreign Service Posts sa China sa Agosto 24, 2023.

Gayunpaman, nilinaw ng DFA na ang sistema ng e-visa ng Pilipinas ay binuo sa pakikipagtulungan ng Department of Information and Communications Technology (DICT). |Ni Jurry Lie Vicente

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog