PRIME MINISTER TRUDEAU AT KANYANG ASAWA, NAGHIWALAY

 


PRIME MINISTER TRUDEAU AT KANYANG ASAWA, NAGHIWALAY


Inanunsyo ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na hiwalay na sila ng kanyang asawa na si Sophie Gregoire-Trudeau matapos ang 18 taon bilang mag-asawa.

Sa pamamagitan ng isang statement mula sa tanggapan ng lider, pareho umanong  pumirma ang magkabilang panig ng “legal separation agreement."

Nilinaw din sa publiko na mananatiling malapit ang kanilang pamilya sa isat-isa sa kabila ng hiwalayan, at patuloy na makikitang magkasama para sa kanilang tatlong anak.

Simula pagabata ay magkaibigan na si Trudeau at ang kanyang asawa na dating nagtatrabaho bilang entertainment reporter.

Nagsimulang maging malapit ang dalawa noong 2003 at nagpakasal taong 2005 sa Montreal.

May tatlong anak ang mag-asawa na sina Xavier, 15, Ella Grace, 14, at 9 na taong gulang na si Hadrien.

Ang nasabing hiwalayan ay itinuturing na pinakaunang nangyari sa isang Canadian prime minister habang naka-upo sa puwesto. |Ni Rio Trayco

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog