UNITED AIRLINES, MAGLULUNSAD NG DIRECT US-MANILA FLIGHTS SA OKTUBRE 29

 


UNITED AIRLINES, MAGLULUNSAD NG DIRECT US-MANILA FLIGHTS SA OKTUBRE 29

 


Maglulunsad na ng direktang flights ang United Airlines mula sa San Francisco patungong Pilipinas sa darating na Oktubre 29 ngayong taon. 

Ayon kay Patrick Quayle, senior vice president ng global network planning and alliances, ang nasabing paglulunsad ng flights sa Manila ay bahagi ng mga plano ng naturang airlines na mapalawak ang kanilang paglipad sa Asia-Pacific. 

Gayundin, inaasahan rin ang pagdagdag ng mga flights ng United Airlines sa Hong Kong, Tokyo, at Taipei. 

Ang United Airlines ang magiging bukod tanging US airline na walang-tigil na lilipad patungong Manila gamit ang kanilang pinakamalaking eroplano na Boeing 777-300ER. 

Sa ngayon, tanging ang Philippine Airlines lang ang nag-aalok ng direct flights patungong San Francisco. /Ni Sam Zaulda

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog