MGA EMPLEYADO NG LGU KALIBO, PINAYUHANG ITIGIL NA ANG PANINIGARILYO


 

MGA EMPLEYADO NG LGU KALIBO, PINAYUHANG ITIGIL NA ANG PANINIGARILYO

 

Nagpaalala si Vice Mayor Cynthia Dela Cruz sa mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng Kalibo na itigil na ang paninigarilyo.

Ang naturang paalala ay kaugnay sa implementasyon ng “No Smoking Policy” sa bayan ng Kalibo.

Ayon sa Bise Alkalde, itigil na ang paninigarilyo at maging modelo sa kapwa empleyado at mga kabataan. 

Kaugnay nito, isinailalim din ang mga empleyado sa isang araw na Smoking Cessation Orientation Seminar kung saan tinalakay dito ang tungkol sa negatibong epekto ng paninigarilyo at paggamit ng Electronic Cigarette o vape.

Samantala, nagpaalala rin ang Bise Alkalde na sa loob ng tatlong buwan ay hindi na kukunin ng LGU ang mga hindi nakahiwalay na basura at kokolektahin na lamang ang mga Residual Waste sa mga kabahayan at opisina. /Ni Jurry Lie Vicente

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog